7 Nguni’t taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, 1 Cor. 2:5.upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili;
8 Sa magkabikabila ay 2 Cor. 7:5.nangagigipit kami, gayon ma’y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma’y hindi nangawawalan ng pagasa;
9 1 Cor. 4:12.Pinaguusig, gayon ma’y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma’y hindi nangasisira;
10 Laging saan ma’y 1 Cor. 4:9;15:31;2 Cor. 6:9.tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, Rom. 6:8;8:17;2 Tim. 2:11.upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.
11 Sapagka’t kaming nangabubuhay ay Rom. 8:36.laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.