Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Coríntios 5

11 Yamang nalalaman nga Heb. 10:31.ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni’t kami ay nangahahayag 2 Cor. 4:2;11:6.sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.

12 Hindi namin ipinagkakapuring 2 Cor. 3:1.muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan 2 Cor. 1:14.na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo’y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.

13 Sapagka’t Gawa 26:25;2 Cor. 11:1,16,17.kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo.

14 Sapagka’t ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka’t ipinasisiya namin ang ganito, na Rom. 5:15.kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo’y lahat ay nangamatay;

15 At siya’y namatay dahil sa lahat, Rom. 14:7.upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.

16 Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala 1 Tim. 5:21.ang sinoman 2 Cor. 1:17.ayon sa laman: bagama’t nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni’t sa ngayo’y hindi na namin nakikilala siyang gayon.

17 Kaya’t kung ang sinoman ay na Rom. 16:7;2 Cor. 12:2;Gal. 1:22.kay Cristo, Rom. 6:4;Gal. 6:15.siya’y bagong nilalang: Ef. 2:15;4:24.ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.

18 Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, Rom. 5:10;1 Juan 2:2;4:10.na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa Rom. 5:11.pagkakasundo;

19 Sa makatuwid baga’y, na ang Rom. 3:24,25.Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.

20 Ef. 6:20.Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo, 2 Cor. 6:1.na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo’y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo’y makipagkasundo sa Dios.

21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan Rom. 8:3;Gal. 3:13;Heb. 9:28.ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y Rom. 1:17.katuwiran ng Dios.

Veja também