Publicidade

2 Coríntios 5

1 Sapagka’t nalalaman namin na kung masira 2 Ped. 1:13,14.ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na Mar. 14:58.hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan.

2 Sapagka’t tunay na sa ganito Rom. 8:23.kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:

3 Na kung Apoc. 3:18.mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.

4 Sapagka’t tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami’y 1 Cor. 15:53,54.bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.

5 Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay 2 Cor. 1:22.sa amin ng patotoo ng Espiritu.

6 Kaya nga kami’y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon.

7 (Sapagka’t nagsisilakad kami sa pamamagitan 2 Cor. 4:18.ng pananampalataya, 1 Cor. 13:12.hindi sa pamamagitan ng paningin);

8 Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at Fil. 1:23.ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.

9 Kaya’t ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya.

10 Sapagka’t tayong Rom. 14:10.lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa’t isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.

11 Yamang nalalaman nga Heb. 10:31.ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni’t kami ay nangahahayag 2 Cor. 4:2;11:6.sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.

12 Hindi namin ipinagkakapuring 2 Cor. 3:1.muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan 2 Cor. 1:14.na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo’y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.

13 Sapagka’t Gawa 26:25;2 Cor. 11:1,16,17.kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo.

14 Sapagka’t ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka’t ipinasisiya namin ang ganito, na Rom. 5:15.kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo’y lahat ay nangamatay;

15 At siya’y namatay dahil sa lahat, Rom. 14:7.upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.

16 Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala 1 Tim. 5:21.ang sinoman 2 Cor. 1:17.ayon sa laman: bagama’t nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni’t sa ngayo’y hindi na namin nakikilala siyang gayon.

17 Kaya’t kung ang sinoman ay na Rom. 16:7;2 Cor. 12:2;Gal. 1:22.kay Cristo, Rom. 6:4;Gal. 6:15.siya’y bagong nilalang: Ef. 2:15;4:24.ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.

18 Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, Rom. 5:10;1 Juan 2:2;4:10.na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa Rom. 5:11.pagkakasundo;

19 Sa makatuwid baga’y, na ang Rom. 3:24,25.Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.

20 Ef. 6:20.Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo, 2 Cor. 6:1.na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo’y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo’y makipagkasundo sa Dios.

21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan Rom. 8:3;Gal. 3:13;Heb. 9:28.ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y Rom. 1:17.katuwiran ng Dios.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-