4 Datapuwa’t sa lahat ng mga bagay ay 2 Cor. 4:2.ipinagkakapuri namin ang aming sarili, 1 Cor. 4:1.gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa 2 Cor. 12:10.mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
5 Sa mga latay, 2 Cor. 11:23,24.sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;
6 Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari,
7 Sa Ef. 1:13.salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; Rom. 13:12;2 Cor. 10:4.sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran Ef. 6:16,17.sa kanan at sa kaliwa,
8 Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma’y mga mapagtapat;
9 Waring hindi mga kilala, gayon ma’y mga kilalang mabuti; Rom. 8:36;2 Cor. 4:10.tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay;
10 2 Cor. 7:4.Tulad sa nangalulungkot, gayon ma’y laging nangagagalak; 2 Cor. 8:9.tulad sa mga dukha, gayon ma’y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pagaari, gayon ma’y 1 Cor. 7:30.mayroon ng lahat ng mga bagay.