6 Datapuwa’t sinasabi ko, Gal. 6:7,9.Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.
7 Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag Deut. 15:10.mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
8 At maaaring Fil. 4:19.gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa’t mabuting gawa:
9 Gaya ng nasusulat,
Awit 112:9.Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
10 At ang Is. 55:10.nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:
11 Yamang kayo’y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, 2 Cor. 1:11.na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.
12 Sapagka’t ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang 2 Cor. 8:14.tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;