1 Sa gayo’y natulog si Abias na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa bayan ni David, at si 1 Hari 15:8.Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. Nang kaniyang mga kaarawan ay tahimik ang lupain na sangpung taon.
2 At gumawa si Asa ng mabuti at matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios:
3 Sapagka’t kaniyang inalis ang mga dambana ng iba, 1 Hari 15:14;2 Cron. 15:17.at ang mga mataas na dako, at pinagputolputol ang mga haligi, at Deut. 7:5;1 Hari 16:33.ibinagsak ang mga Asera,
4 At iniutos sa Juda na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, at tuparin ang kautusan at ang utos.
5 Kaniya rin namang inalis sa lahat na bayan ng Juda ang mga mataas na dako at ang mga larawang araw: at ang kaharian ay tahimik sa harap niya.
6 At siya’y nagtayo ng mga 2 Cron. 11:5.bayang nakukutaan sa Juda: sapagka’t ang lupain ay tahimik, at siya’y hindi nagkaroon ng pakikipagdigma sa mga taong yaon; sapagka’t binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan.
7 Sapagka’t sinabi niya sa Juda, Itayo natin ang mga bayang ito, at gawan sa palibot ng mga kuta, at ng mga moog, ng mga pintuang-bayan, at ng mga halang; ang lupain ay nasa harap pa natin, sapagka’t ating hinahanap ang Panginoon nating Dios; ating hinanap siya, at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa lahat ng dako. Sa gayo’y kanilang itinayo at nagsiginhawa.
8 At si Asa ay may isang hukbo na may dalang mga kalasag at mga sibat, na mula sa Juda, 2 Cron. 13:3.na tatlong daang libo; at mula sa Benjamin, na nagdadala ng mga kalasag at nagpapahilagpos ng mga busog na dalawang daan at walong pung libo: lahat ng mga ito ay mga makapangyarihang lalake na matatapang.
9 At lumabas laban sa kanila si Zera na taga Etiopia na may hukbo na isang angaw, at tatlong daang karo; at siya’y naparoon sa Jos. 15:44.Maresa.
10 Nang magkagayo’y lumabas si Asa na sumalubong sa kaniya, at sila’y nagsihanay ng pakikipagbaka sa libis ng Huk. 1:17.Sephata sa Maresa.
11 At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kaniyang sinabi, Panginoon, Huk. 7:7;1 Sam. 14:6.walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagka’t 2 Cron. 13:18.kami ay nagsisitiwala sa iyo, at 1 Sam. 17:45.sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, ikaw ay aming Dios; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo.
12 Sa gayo’y sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa, at sa harap ng Juda; at ang mga taga Etiopia ay nagsitakas.
13 At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gen. 10:19.Gerar: at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami, na anopa’t sila’y hindi makabawi, sapagka’t sila’y nalansag sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang hukbo; at sila’y nagsipagdala ng totoong maraming samsam.
14 At kanilang sinaktan ang lahat na bayan sa palibot ng Gerar; 2 Cron. 17:10;20:29.sapagka’t sila’y naratnan ng takot sa Panginoon; at kanilang sinamsaman ang lahat na bayan; sapagka’t maraming nasamsam sa kanila.
15 Kanila rin namang sinaktan ang mga toldang silungan ng mga hayop, at nagsipagdala ng mga tupa na sagana, at mga kamelyo, at nagsibalik sa Jerusalem.