3 At si Josaphat ay natakot, at tumalagang 2 Cron. 19:3.hanapin ang Panginoon; at siya’y Ezra 8:21;Jer. 36:9;Jos. 3:5.nagtanyag ng ayuno sa buong Juda.
4 At ang Juda’y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga’y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon.
15 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; 1 Sam. 17:47.sapagka’t ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.
17 Kayo’y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, Ex. 14:13,14;Huk. 7:21.magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: 2 Cron. 15:2;32:8.huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka’t ang Panginoon ay sumasa inyo.
22 At nang sila’y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga tal.10.bakay laban sa mga anak ni 2 Cron. 13:13.Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila’y nangasugatan.