12 At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi, at sinabi sa kaniya, Aking narinig ang iyong dalangin, tal.16;Deut. 12:5.at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na pinakabahay na hainan.
13 Kung aking sarhan ang langit na anopa’t huwag magkaroon ng ulan, o kung aking utusan ang balang na lamunin ang lupain, o kung ako’y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan;
14 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; 2 Cron. 6:27,30.akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.