1 Gawa 11:30;1 Ped. 5:1;3 Juan 1.Ang matanda sa hirang na tal.13.ginang at sa kaniyang mga anak, 1 Juan 5:3.na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala Juan 1:17;14:6.ng katotohanan;
2 Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man:
3 1 Tim. 1:2.Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak 3 Juan 3,4.na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.
5 At ngayo’y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, 1 Juan 2:7;3:11.na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo’y mangagibigan sa isa’t isa.
6 3 Juan 1.At ito ang pagibig, na tayo’y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo’y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
7 Sapagka’t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay1 Juan 2:22;4:9.ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at 1 Juan 2:18;Apoc. 1:4.ang anticristo.
8 Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang Gal. 3:4;Heb. 10:32,35.huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan.
9 Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay 1 Juan 2:23.hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
10 Kung sa inyo’y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay Rom. 16:17;Gen. 1:8.huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin:
11 Sapagka’t ang bumabati sa kaniya ay 1 Tim. 5:22.nararamay sa kaniyang masasamang gawa.
12 3 Juan 13.Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo, ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta; datapuwa’t inaasahan kong pumariyan sa inyo, at makipagusap ng mukhaan, Juan 15:11.upang malubos ang inyong galak.
13 Ang mga anak ng iyong tal.1.hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo.