32 At nang si Eliseo ay dumating sa bahay, narito, ang bata’y patay, at nakahiga sa kaniyang higaan.
33 Siya’y pumasok nga at tal.4;Mat. 6:6;9:25;Mar. 5:37,40;Luc. 8:51.sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon.
34 At siya’y sumampa, 1 Hari 17:20,21.at dumapa sa ibabaw ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya: 1 Hari 17:21;Gawa 20:10.at siya’y dumapa sa kaniya; at ang laman ng bata ay uminit.
35 Nang magkagayo’y bumalik siya, at lumakad sa bahay na paroo’t parito na minsan; at sumampa, at dumapa sa ibabaw niya: at ang bata’y nagbahing makapito, at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata.