1 Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, 1 Tes. 2:19.tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, Mat. 23:31;Mar. 13:27.at sa ating pagkakatipon sa kaniya:
2 Upang huwag kayong madaling makilos 1 Juan 4:1.sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o tal. 15.sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na 2 Cor. 1:14.ang kaarawan ng Panginoon;
3 Huwag kayong padaya kanino man Mat. 24:4.sa anomang paraan: sapagka’t ito’y hindi darating,1 Tim. 4:1.maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at Dan. 11:36;1 Juan 2:18;4:3.mahayag ang taong makasalanan, Juan 17:12.ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas 1 Cor. 8:5.laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa’t siya’y nauupo sa templo ng Dios, na siya’y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.