1 Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, 1 Tes. 2:19.tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, Mat. 23:31;Mar. 13:27.at sa ating pagkakatipon sa kaniya:
2 Upang huwag kayong madaling makilos 1 Juan 4:1.sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o tal. 15.sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na 2 Cor. 1:14.ang kaarawan ng Panginoon;
3 Huwag kayong padaya kanino man Mat. 24:4.sa anomang paraan: sapagka’t ito’y hindi darating,1 Tim. 4:1.maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at Dan. 11:36;1 Juan 2:18;4:3.mahayag ang taong makasalanan, Juan 17:12.ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas 1 Cor. 8:5.laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa’t siya’y nauupo sa templo ng Dios, na siya’y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.
5 Hindi baga ninyo naaalaala nang ako’y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?
6 At ngayo’y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya’y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan.
7 Sapagka’t Apoc. 17:5,7.ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.
8 At kung magkagayo’y mahahayag ang tampalasan, Dan. 7:10,11.na papatayin ng Panginoong Jesus Apoc. 2:16;19:15,21.ng hininga ng kaniyang bibig, at 1 Tim. 6:14;2 Tim. 1:10;4:1,8.sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay Ef. 2:2.ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at Apoc. 12:3;13:14.mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa 1 Cor. 1:18.nangapapahamak; sapagka’t hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas.
11 At dahil dito’y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, 1 Tim. 4:1.upang magsipaniwala sila sa Rom. 1:25.kasinungalingan:
12 Upang mangahatulan silang lahat na Rom. 2:8.hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi Rom. 1:32.nangalugod sa kalikuan.
13 Nguni’t 2 Tes. 1:3.kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios Ef. 1:4.buhat nang pasimula sa ikaliligtas 1 Ped. 1:2.sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan:
14 Sa kalagayang ito’y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, 1 Tes. 2:12.upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo.
15 Kaya nga, mga kapatid, kayo’y mangagpakatibay, at inyong panghawakan 1 Cor. 11:2;2 Tes. 3:6.ang mga aral na sa inyo’y itinuro, maging tal.2.sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.
16 Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama 1 Juan 4:10;Apoc. 1:5.na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at 1 Ped. 1:3.mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya,
17 Col. 2:2.Aliwin nawa ang inyong puso, 1 Tes. 3:13;2 Tes. 3:3.at patibayin kayo sa bawa’t mabuting gawa at salita.