Publicidade

3 João 1

1 2 Juan 1.Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

2 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.

3 Sapagka’t ako’y totoong 1 Juan 4.nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.

4 Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang 1 Cor. 4:15.aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan.

5 Minamahal, ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa Gal. 6:10.mga kapatid at sa mga taga ibang lupa;

6 Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios, sa kanilang paglalakbay:

7 Sapagka’t dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na 1 Cor. 9:12,15.walang kinuhang anoman sa mga Gentil.

8 Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon, upang tayo’y maging kasama sa paggawa sa katotohanan.

9 Ako’y sumulat ng ilang bagay sa iglesia: datapuwa’t si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila, ay hindi kami tinatanggap.

10 Kaya’t kung pumariyan ako, ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa, na 1 Tim. 5:13.nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin: at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid, at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas silaIs. 66:5.sa iglesia.

11 Minamahal, Awit 34:14;1 Ped. 3:11,13.huwag mong tularan ang masama, kundi ang mabuti. 1 Juan 2:29.Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay 1 Juan 3:6.hindi nakakita sa Dios.

12 Si Demetrio ay Gawa 6:3.pinatototohanan ng lahat, at ng katotohanan: oo, kami man ay nagpapatotoo rin; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay Juan 21:24.tunay.

13 Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo, 2 Juan 12.datapuwa’t hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat:

14 Datapuwa’t inaasahan kong makita kang madali, at tayo’y magkakausap ng mukhaan.

15 Ang kapayapaa’y sumainyo nawa. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan.

Veja também

3 João
Ver todos os capítulos de 3 João
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-