Publicidade

Amós 4

Ang Israel ay parurusahan dahil sa kaniyang pagpapahirap.

1 Dinggin ninyo ang salitang ito, Oh mga Awit 22:12.baka ng Basan, na Amos 6:1.nangasa bundok ng Samaria, na Os. 5:11.nagsisipighati sa mga dukha, na nagsisigipit sa mga mapagkailangan, na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon, Dalhin ninyo rito, at ating inumin.

2 Ang Panginoong Dios ay Awit 89:35.sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan, na, narito, ang mga kaarawan ay darating sa inyo, na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit, at Jer. 16:16.ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit.

3 At kayo’y magsisilabas sa mga sira, na bawa’t isa’y tuloytuloy; at kayo’y mangagpapakatapon sa Harmon, sabi ng Panginoon.

4 Magsiparoon kayo sa Amos 3:14.Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa Os. 4:15.Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, Deut. 14:28;26:12.at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw;

5 At Lev. 7:13.kayo’y mangaghandog ng hain ng pasasalamat Lev. 23:17.na may lebadura, at kayo’y mangaghayag ng Ex. 35:29;Lev. 22:18,21.kusang mga handog at inyong itanyag; sapagka’t ito’y nakalulugod sa inyo, Oh ninyong mga anak ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

6 At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; tal. 8-11;Hag. 2:17.gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

7 At Jer. 3:3.akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.

8 Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

9 Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay Joel 1:4.nilipol ng tipaklong: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

10 Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot Ex. 12:29.na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, 2 Hari 13:7.at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, Is. 13:19.gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo’y naging gaya ng Zac. 3:2;Jud. 23.dupong na naagaw sa apoy: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

12 Kaya’t ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.

13 Sapagka’t, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, Awit 139:2;Dan. 2:22,28.at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na Amos 5:8;8:9.nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupaang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-