1 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi Apoc. 15:1.sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok Apoc. 14:10.ng kagalitan ng Dios sa lupa.
2 At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok Apoc. 8:7.sa lupa; at Ex. 9:9,11.naging sugat na masama at mabigat sa mga taong Apoc. 13:16.may tanda ng hayop na yaon, at Apoc. 13:15.nangagsisamba sa kaniyang larawan.
3 At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok Apoc. 8:8.sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; Apoc. 8:9.at bawa’t kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.
4 At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok Apoc. 8:10.sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; Ex. 7:17,20.at nangaging dugo.
5 At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Apoc. 15:3.Matuwid ka, Apoc. 1:4.na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka’t humatol ka na gayon;
6 Sapagka’t ibinuhos nila ang dugo Apoc. 11:18.ng mga banal at ng mga propeta, Is. 49:26.at pinainom mo sila ng dugo; ito’y karapatdapat sa kanila.
7 Apoc. 6:9.At narinig ko ang Apoc. 9:13.dambana na nagsasabi, Oo, Oh Apoc. 15:3.Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.
8 At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok Apoc. 8:12.sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.
9 At Mat. 13:6;Mar. 4:6.nangasunog ang mga tao sa matinding init: at tal. 11, 21.sila’y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; Apoc. 2:21.at hindi sila nangagsisi upang siya’y Apoc. 11:13.luwalhatiin.
10 At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok Apoc. 13:2.sa luklukan ng hayop na yaon; Ex. 10:21.at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,
11 At sila’y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap tal.2.at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.
12 At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok Apoc. 9:14.sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo Is. 44:27.ang tubig nito, Is. 41:2.upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.
13 At nakita kong lumabas sa bibig Apoc. 12:3.ng dragon, at sa Apoc. 13:1.bibig ng hayop, at sa bibig Apoc. 13:11,14;19:20;20:10.ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na Ex. 8:6.gaya ng mga palaka:
14 Sapagka’t sila’y mga espiritu ng mga demonio, Mat. 24:24;Apoc. 13:14;19:20.na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa Apoc. 17:14;19:19.pagbabaka Apoc. 6:17.sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
15 (Narito, ako’y pumaparitong Apoc. 3:2.gaya ng magnanakaw. Mat. 24:42,46.Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)
16 At tinipon sila Apoc. 19:19.sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Huk. 5:19;Zac. 2:11.Armagedon.
17 At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas Apoc. 14:17.sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:
18 At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na Dan. 12:1;Mat. 24:21.lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.
19 At ang dakilang Apoc. 14:8.bayan ay nabahagi sa Apoc. 11:13.tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, Apoc. 14:10.upang siya’y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.
20 At tumakas ang Apoc. 6:14.bawa’t pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.
21 At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay Apoc. 11:19.lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang tal. 9, 11.mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka’t ang salot na ito ay lubhang malaki.