1 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, Apoc. 9:1.na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
2 At sinunggaban niya Apoc. 12:3.ang dragon, 2 Ped. 2:4;Jud. 6;Apoc. 12:9.ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
3 At siya’y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at Dan. 6:17.tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon.
4 At nakakita ako ng mga Dan. 7:9,22,27;Mat. 19:28;Apoc. 2:26.luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, 1 Cor. 6:2.sila’y pinagkalooban ng paghatol: at nakita koApoc. 6:9.ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at Apoc. 13:12.ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa Apoc. 13:15,16.kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila’y nangabuhay, at Dan. 7:18;2 Tim. 2:12.nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito 1 Tes. 4:16.ang unang pagkabuhay na maguli.
6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan Apoc. 2:11;21:8.ang ikalawang kamatayan; kundi sila’y magiging Apoc. 1:6.mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan tal.2.sa kaniyang bilangguan,
8 At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, Ezek. 38:2.sa Gog at sa Magog, Apoc. 16:14.upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9 At Is. 8:8;Ezek. 38:9,16.nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at Awit 132:13.ang bayang iniibig: at bumaba ang Apoc. 13:13.apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.
10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, tal. 14, 15;Apoc. 19:20.na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.