1 At ipinakita niya sa akin ang Ezek. 47:1;Zac. 14:8.isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero,
2 Sa gitna ng Apoc. 21:21.lansangang yaon. Ezek. 47:12.At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon Gen. 2:9;Apoc. 2:7.ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
3 At Gen. 3:17;Zac. 14:11.hindi na magkakaroon pa ng sumpa: Ezek. 48:35.at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;
4 At makikita nila ang Mat. 5:8;1 Cor. 13:12;Juan 3:2.kaniyang mukha; at ang Apoc. 14:1.kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.
5 Apoc. 21:25.At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka’t liliwanagan sila Awit 36:9;84:11;Apoc. 21:11,23.ng Panginoong Dios: at sila’y maghahari magpakailan kailan man.