1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, Dan. 7:2.na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak Awit 42:2.ng Dios na buhay: at siya’y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
3 Na nagsasabi, Apoc. 6:6;9:4.Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.
4 At narinig ko ang bilang Apoc. 9:16.ng mga natatakan, na Apoc. 14:1.isang daan at apat na pu’t apat na libo, na natatakan, sa bawa’t angkan ng mga anak ni Israel:
5 Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan;
Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
6 Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
7 Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
8 Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.