Publicidade

Atos 18

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito’y umalis siya sa Atenas, at napasa 1 Cor. 1:2;2 Cor. 1:1,23.Corinto.

2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang tal. 18, 26;Rom. 16:3;1 Cor. 16:19.Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka’t ipinagutos ni Gawa 11:28.Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya’y lumapit sa kanila;

3 At sapagka’t ang hanap-buhay niya’y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, Gawa 20:34;1 Cor. 4:12.at sila’y nagsigawa: sapagka’t ang hanap-buhay nila’y gumawa ng mga tolda.

4 At siya’y nangangatuwiran tuwing sabbath Gawa 13:14.sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego.

5 Datapuwa’t nang si Silas at si Timoteo ay Gawa 17:14,15.magsilusong mula sa Gawa 16:12.Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si tal.28;Gawa 17:3.Jesus ang siyang Cristo.

6 At nang sila’y magsitutol at magsipamusong, Mat. 10:14;Gawa 13:51.ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila’y sinabi, Ang inyong dugo’y sumainyong sariling mga ulo: ako’y malinis: Gawa 28:28.buhat ngayo’y paparoon ako sa mga Gentil.

7 At siya’y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na Gawa 16:14.isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya’y karugtong ng sinagoga.

8 At si 1 Cor. 1:14.Crispo, tal.17.ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.

9 At sinabi Gawa 23:11;27:23,24.ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:

10 Sapagka’t ako’y sumasaiyo, Jer. 1:8,19;Mat. 28:20.at sinoma’y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka’t makapal ang mga tao ko sa bayang ito.

11 At siya’y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios.

12 Datapuwa’t nang si Galion ay Gawa 13:7.proconsul ng tal.27;Gawa 19:21.Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at Mat. 10:18.siya’y dinala sa harapan ng hukuman,

13 Na nagsasabi, Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa tal.15.kautusan.

14 Datapuwa’t nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig, ay sinabi ni Galion sa mga Judio, Gawa 23:29;25:19.Kung ito’y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, Oh mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo:

15 Datapuwa’t kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito.

16 At sila’y pinalayas niya sa hukuman.

17 At hinawakan nilang lahat si 1 Cor. 1:14.Sostenes, Gawa 18:17.na pinuno sa sinagoga, at siya’y hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito.

18 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo’y lumayag na patungo sa Gawa 15:23,41;20:3;21:3.Siria, at kasama niya si tal. 2, 26.Priscila at si Aquila: na Blg. 6:18;Gawa 21:24.inahit niya ang kaniyang buhok sa Rom. 16:1.Cencrea; sapagka’t siya’y may panata.

19 At sila’y nagsidating sa Efeso, at sila’y iniwan niya doon: datapuwa’t pumasok siya sa sinagoga, at nangatuwiran sa mga Judio.

20 At nang siya’y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon, ay hindi siya pumayag;

21 Kundi nang siya’y nagpaalam sa kanila, at nagsabi, Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios, siya’y naglayag buhat sa Efeso.

22 At nang makalunsad na siya sa Gawa 8:40.Cesarea, ay siya’y umahon at bumati sa iglesia, at lumusong sa Gawa 11:26.Antioquia.

23 At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at tinahak ang lupain ng Gawa 16:6;Gal. 1:2;4:14.Galacia, at Frigia, na sunodsunod, Gawa 14:22.na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad.

24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Gawa 19:1;1 Cor. 1:12;3:4,5,6,22;Tit. 3:13.Apolos, na isang Gawa 6:9.Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya’y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.

25 Ang taong ito’y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa’y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, Gawa 19:3.na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:

26 At siya’y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa’t nang siya’y marinig ni Priscila at ni tal. 2, 18.Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya Gawa 9:2.ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.

27 At nang ibig niyang lumipat sa tal.12.Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila’y nagsisulat sa mga alagad na siya’y tanggapin: at nang siya’y dumating doon, 1 Cor. 3:6.ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;

28 Sapagka’t may kapangyarihang dinaig niya ang mga tal.5;Gawa 17:2,3.Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-