41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon Gawa 4:4.ang may tatlong libong kaluluwa.
42 At sila’y nagsipanatiling matibay Gawa 1:14;6:4.sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa Luc. 22:19.pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
43 Gawa 5:5,11.At ang takot ay dumating sa bawa’t kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.
44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay Gawa 4:32.nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;
45 At ipinagbili Gawa 4:34.nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa’t isa.
46 At araw-araw sila’y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa Luc. 24:53;Gawa 3:1;5:20,21,25,42.sa templo, tal. 42.at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may Juan 16:22.galak at may katapatan ng puso.
47 Luc. 24:53.Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila Gawa 5:14;11:24.ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.