1 At nang dumating nga Lev. 23:15.ang araw ng Pentecostes, silang lahat tal. 46;Gawa 1:14.ay nangagkakatipon sa isang dako.
2 At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na Gawa 4:31.gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.
3 At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng Mat. 3:11.apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa’t isa sa kanila.
4 At silang lahat Gawa 4:31;13:52.ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang Mar. 16:17;Gawa 10:46;19:6;1 Cor. 12:10,28,30.magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.
5 May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa’t bansa sa ilalim ng langit.
6 At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka’t sa kanila’y narinig ng bawa’t isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.
7 At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga Mar. 14:70;Gawa 1:11.mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?
8 At bakit nga naririnig ng bawa’t isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?
9 Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia,
10 Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga Mat. 23:15.naging Judio,
11 Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios.
12 At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito?
13 Datapuwa’t ang mga iba’y nanganglilibak na nangagsabi, Sila’y puno ng bagong alak.
14 Datapuwa’t pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila’y nagsaysay, na sinasabing, Kayong mga lalaking taga Judea, at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem, mangaalaman nawa ninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita.
15 Sapagka’t ang mga ito’y hindi mga lasing, na gaya ng inyong inaakala; yamang ngayo’y oras na ikatlo lamang ng araw;
16 Datapuwa’t ito’y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:
17 At mangyayari sa mga huling araw, Joel 2:28-32.sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu Gawa 10:45.sa lahat ng laman:
At ang inyong mga anak na lalake at Gawa 21:9.babae ay manganghuhula,
At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain,
Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:
18 Oo’t sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon
Ibubuhos ko ang aking Espiritu; Gawa 11:28;21:4,9,10.at magsisipanghula sila.
19 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas,
At mga tanda sa lupa sa ibaba,
Dugo, at apoy, at singaw ng usok:
20 Mat. 24:29.Ang araw ay magiging kadiliman,
At ang buwan ay dugo,
Bago dumating ang araw ng Panginoon,
Yaong araw na dakila at tangi:
21 At mangyayari na ang Rom. 10:13.sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.
22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Luc. 24:19.Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo Juan 3:2.sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;
23 Siya, na Luc. 22:22;Gawa 3:18;4:28.ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan Gawa 5:30.ay inyong ipinako sa krus at pinatay:
24 Na siya’y binuhay na maguli ng Dios, tal. 32.pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka’t hindi maaari na siya’y mapigilan nito.
25 Sapagka’t sinasabi ni David tungkol sa kaniya,
Awit 16:8-11.Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan;
Sapagka’t siya’y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:
26 Dahil dito’y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:
27 Gawa 13:35.Sapagka’t hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades,
Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay;
Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.
29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya’y namatay at inilibing, at nasa atin Neh. 3:16.ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
30 Palibhasa nga’y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, Awit 132:11;Rom. 1:3.na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;
31 Palibhasa’y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, tal.27.na siya’y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.
32 Ang Jesus na ito’y tal.24;Juan 3:15,26;4:10,33;5:30;10:40;13:30,33,34;17:13;Rom. 4:24;1 Cor. 6:14;15:15;2 Cor. 4:14;Gal. 1:1;Ef. 1:20;Col. 2:12;1 Tes. 1:10;2 Tim. 2:8;Heb. 13:20;1 Ped. 1:21.binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito’y Luc. 24:48.mga saksi kaming lahat.
33 Palibhasa nga’y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at Gawa 1:4.tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34 Sapagka’t hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa’t siya rin ang nagsabi,
Awit 110:1.Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa kanan ko,
35 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.
36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Luc. 2:11.Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
37 Nang marinig nga nila ito, Luc. 3:10.ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?
38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Luc. 24:47;Gawa 3:19;20:21.Mangagsisi kayo, at Gawa 8:15,16;22:16.mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo Mat. 26:28.sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo Gawa 10:45.ang kaloob ng Espiritu Santo.
39 Sapagka’t sa inyo ang pangako, at Is. 54:13;Joel 2:28.sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa Ef. 2:13,17.malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.
41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon Gawa 4:4.ang may tatlong libong kaluluwa.
42 At sila’y nagsipanatiling matibay Gawa 1:14;6:4.sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa Luc. 22:19.pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
43 Gawa 5:5,11.At ang takot ay dumating sa bawa’t kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.
44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay Gawa 4:32.nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;
45 At ipinagbili Gawa 4:34.nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa’t isa.
46 At araw-araw sila’y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa Luc. 24:53;Gawa 3:1;5:20,21,25,42.sa templo, tal. 42.at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may Juan 16:22.galak at may katapatan ng puso.
47 Luc. 24:53.Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila Gawa 5:14;11:24.ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.