6At ang Panginoo’y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Blg. 14:18;Awit 86:15;103:8.Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;
20At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero: at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg. Ex. 23:5.Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.
26Ex. 23:19.Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios. Ex. 23:19;Deut. 14:21.Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.