12 Col. 3:17.Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
13 Na siyang nagligtas sa atin sa Luc. 22:53.kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na 2 Cor. 4:4.siya ang larawan ng 1 Tim. 1:17.Dios na di nakikita, Apoc. 3:14.ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
16 Sapagka’t Juan 1:3.sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga Ef. 1:21.pagsakop o mga Col. 2:10,15.pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Heb. 2:10.niya at ukol sa kaniya;
17 At siya’y Juan 1:1.una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.