Publicidade

Eclesiastes 10

Ang pagkakaawang gawa at ang kasipagan ay dapat gawin na may pagasa.

1 Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: Ec. 2:3.gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.

2 Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni’t ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.

3 Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at Kaw. 18:2.kaniyang sinasabi sa bawa’t isa, na siya’y isang ulol.

4 Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, Ec. 8:3.huwag kang umalis: Kaw. 25:15.sapagka’t ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.

5 May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:

6 Est. 3:1.Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.

7 Nakakita ako ng mga Kaw. 19:10.alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.

8 Awit 7:15;Kaw. 26:27.Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.

9 Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; Deut. 20:19.at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.

10 Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni’t ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.

11 Kung ang ahas ay Awit 58:4-5;Jer. 8:17.kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.

12 Ang mga Kaw. 10:32.salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni’t ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.

13 Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.

14 Kaw. 15:2.Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma’y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; Ec. 3:22;6:12.at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?

15 Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa’t isa sa kanila; sapagka’t hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan.

16 Is. 3:4-5,12.Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay Is. 5:11.nagsisikain sa umaga!

17 Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang Kaw. 31:4.iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!

18 Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.

19 Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, Awit 104:15.at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.

20 Ex. 22:28.Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka’t isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-