1 Ihasik mo ang Deut. 15:10;Is. 32:20;Mat. 10:42.iyong tinapay sa tubigan: sapagka’t iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw.
2 Awit 112:9;1 Tim. 6:18-19.Magbigay ka ng bahagi sa pito, oo, sa walo; Ef. 5:16.sapagka’t hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa lupa.
3 Kung ang mga alapaap ay mapuno ng ulan, ay tumutulo sa lupa: at kung ang punong kahoy ay mabuwal sa dakong timugan, o sa dakong hilagaan sa dakong kabuwalan ng kahoy, ay doon ito mamamalagi.
4 Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani.
5 Kung paanong hindi Juan 3:8.mo nalalaman kung ano ang daan ng hangin o Awit 139:13-16.kung paano mang lumalaki ang mga buto sa bahay-bata ng buntis; gayon hindi mo nalalaman ang gawa ng Dios na gumagawa sa lahat.
6 Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi, at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon; sapagka’t hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o yaon, o kung kapuwa magiging mabuti.
7 Tunay na ang liwanag ay mainam, at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw.
8 Oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; nguni’t alalahanin niya Ec. 12:1.ang mga kaarawan ng kadiliman, sapagka’t magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan.
9 Ikaw ay magalak, Oh binata, sa iyong kabataan: at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at Job 31:7.lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: Ec. 9:7.nguni’t talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin Ec. 12:14.ka ng Dios sa kahatulan.
10 Kaya’t ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at 2 Cor. 7:1.alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka’t ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan.