1 At kayo’y binuhay niya, Col. 2:13.nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
2 Na inyong nilakaran tal. 3, 13.noong una ayon sa Ef. 1:4.lakad ng sanglibutang ito, ayon Juan 12:31;Ef. 6:12.sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa Ef. 5:6;Col. 3:6.mga anak ng pagsuway;
3 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa Gal. 5:16.mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at Awit 51:5.tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:—
4 Nguni’t ang Dios, palibhasa’y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
5 Bagama’t Rom. 5:6,8,10.tayo’y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, Rom. 6:4,5.tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas),
6 At tayo’y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya Ef. 1:3.sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:
7 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:
8 Sapagka’t sa biyaya tal.5;Rom. 8:24.kayo’y nangaligtas Rom. 4:16.sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, Juan 6:44,65.ito’y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, Rom. 11:6.upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
10 Sapagka’t tayo’y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, Ef. 1:4.na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
11 Kaya nga Ef. 5:8.alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Col. 2:11.Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa Rom. 9:4.mga tipan ng pangako, na 1 Tes. 4:13.walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.
13 Datapuwa’t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo Gawa 2:39.ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14 Sapagka’t siya ang ating kapayapaan, Juan 10:16.na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
15 Na inalis Col. 1:21,22.ang pagkakaalit Col. 2:14.sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang Gal. 6:15.taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan;
16 At Col. 1:20,21,22.upang papagkasunduin silang dalawa sa Ef. 4:4.isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, Rom. 6:6;8:3;Col. 2:15.na sa kaniya’y pinatay ang pagkakaalit.
17 At siya’y naparito Is. 57:19.at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:
18 Sapagka’t Juan 14:6,13.sa pamamagitan niya Ef. 3:12.tayo’y may pagpasok sa 1 Cor. 12:13.isang Espiritu rin sa Ama.
19 Kaya nga hindi na kayo mga tal. 12.taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga Heb. 12:22,23.kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,
20 Col. 2:7.Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga Apoc. 21:14.apostol at ng mga Ef. 3:5.propeta, na si Cristo Jesus din Awit 118:22.ang pangulong bato sa panulok;
21 Na sa kaniya’y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging1 Cor. 3:16.isang templong banal sa Panginoon;
22 Na sa kaniya’y itinayo naman 1 Ped. 2:5.kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.