Publicidade

Efésios 5

1 Kayo Mat. 5:45,48.nga’y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;

2 At magsilakad kayo sa pagibig, Juan 13:34.gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na Heb. 7:27.hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.

3 Nguni’t ang Col. 3:5.pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;

4 O Col. 3:8.ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo’y magpasalamat.

5 Sapagka’t talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, Col. 3:5.na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, Heb. 12:14.ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.

6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka’t Col. 3:6.dahil sa mga bagay na ito’y dumarating ang galit ng Dios Ef. 2:2.sa mga anak ng pagsuway.

7 Huwag kayong makibahagi sa kanila;

8 Sapagka’t noong panahon Ef. 2:11,12.kayo’y kadiliman, datapuwa’t ngayon Juan 8:12.kayo’y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga Luc. 16:8.anak ng kaliwanagan

9 (Sapagka’t Gal. 5:22.ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),

10 Na inyong pinatutunayan Rom. 12:2.ang kinalulugdan ng Panginoon;

11 At huwag kayong makibahagi sa Rom. 6:21;13:12.mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;

12 Sapagka’t ang mga bagay na Rom. 1:26.ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.

13 Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka’t ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.

14 Kaya sinasabi niya, Rom. 13:11.Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.

15 Mangagingat Col. 4:5.nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;

16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka’t ang mga araw ay masasama.

17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, Rom. 12:2.kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 At Rom. 13:13.huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo’y mangapuspos ng Espiritu;

19 Na kayo’y mangagusapan Col. 3:16.ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;

20 Na kayo’y laging magpasalamat Col. 3:17;1 Tes. 1:2;2 Tes. 1:3.sa lahat ng mga bagay Heb. 13:15;1 Ped. 2:5;4:11.sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Col. 1:12.Dios na ating Ama;

21 Na pasakop kayo sa isa’t isa sa takot kay Cristo.

22 Mga babae, Col. 3:18–4:1.pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na Ef. 6:5.gaya ng sa Panginoon.

23 Sapagka’t ang lalake 1 Cor. 11:3.ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas Ef. 1:22,23.ng katawan.

24 Datapuwa’t kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

25 Mga lalake, Col. 3:19;1 Ped. 3:7.ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at tal.2.ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis Tit. 3:5;1 Ped. 3:21.sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig Mat. 28:19.na may salita,

27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na Col. 1:22.maluwalhati, na A. ng A. 4:7.walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; Ef. 1:4.kundi ito’y nararapat maging banal at walang kapintasan.

28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:

29 Sapagka’t walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;

30 Sapagka’t 1 Cor. 6:15;12:27.tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.

31 Dahil dito’y Gen. 2:24.iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.

32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa’t sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.

33 Col. 3:19.Gayon man ay umibig naman ang bawa’t isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay 1 Cor. 9:25.gumalang sa kaniyang asawa.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-