Pular para o conteúdo
Publicidade

Esther 2:7,17,21-23

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

7 At pinalaki niya si Hadasa, sa makatuwid baga’y si Esther, na tal. 15.anak na babae ng kaniyang amain: sapagka’t siya’y wala kahit ama o ina man, at ang dalaga ay maganda at may mabuting anyo; at nang mamatay ang kaniyang ama’t ina inari siya ni Mardocheo na parang tunay na anak.

17 At sininta ng hari si Esther ng higit kay sa lahat na babae, at siya’y nilingap at minahal na higit kay sa lahat na dalaga; na anopa’t kaniyang ipinutong ang putong na pagkareina sa kaniyang ulo, at ginawa siyang reina na kahalili ni Vasthi.

21 Sa mga araw na yaon, samantalang nauupo si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, dalawa sa kamarero ng hari, si Est. 6:2.Bigthan at si Teres, sa nangagiingat ng pintuan, ay nangapoot at nangagaakalang buhatan ng kamay ang haring Assuero.

22 At ang bagay ay naalaman ni Mardocheo Est. 6:2;7:9.na siyang nagturo kay Esther na reina: at sinaysay ni Esther sa hari, sa pangalan ni Mardocheo.

23 At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon, sila’y kapuwa binigti sa punong kahoy: at nasulat sa Est. 6:1;10:2.aklat ng mga alaala sa harap ng hari.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    7 Si Mordecai ay may pinsang dalaga. Nang itoʼy maulila, inalagaan niya ito, pinalaki at itinuring na parang sarili niyang anak. Ang pangalan niya ay Hadasa na tinatawag ding Ester. Maganda si Ester at maganda rin ang hubog ng katawan nito.

    17 Nagustuhan ng hari si Ester nang higit kaysa sa ibang mga dalaga. Tuwang-tuwa siya kay Ester, at mabuti ang trato niya sa kanya. Kinoronahan niya ito at ginawang reyna bilang kapalit ni Vasti.

    21 Sa panahong si Mordecai ay nakapuwesto sa pintuan ng palasyo, may dalawang eunuko ng hari na nagngangalang Bigtan at Teres. Sila ang mga guwardiya ng pintuan ng kuwarto niya. Nagalit sila kay Haring Asuero, at nagplano silang patayin ito. 22 Pero nalaman ni Mordecai ang planong ito, kaya sinabi niya ito kay Reyna Ester. Sinabi naman ito ni Ester sa hari at ipinaalam din niya sa kanya na si Mordecai ang nakatuklas sa planong pagpatay. 23 Ipinasiyasat ito ng hari. At nang mapatunayang totoo ito, ipinatuhog niya sina Bigtan at Teres sa nakatayong matulis na kahoy. At ang pangyayaring itoʼy ipinasulat ng hari sa Aklat ng Kasaysayan ng kaharian.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.