Pular para o conteúdo
Publicidade

Êxodo 20

3 Deut. 5:7;2 Hari 17:35.Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

4 Deut. 4:16.Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na Ex. 34:14;Deut. 4:21;Jos. 24:19.mapanibughuin, Ex. 34:7;1 Hari 21:29.na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

6 Deut. 7:9.At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

7 Ex. 23:1;Lev. 19:12;Mat. 5:33,34;Deut. 5:11.Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

8 Ex. 16:25;Deut. 5:12.Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.

9 Ex. 35:2;Ezek. 20:12.Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.

10 Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, Neh. 13:16-19.ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan:

11 Sapagka’t Gen. 2:2;Deut. 5:15.sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.

12 Mat. 15:4;Mar. 7:10;Luc. 18:20;Ef. 6:2,3.Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

13 Mat. 5:21;19:18;Rom. 13:9.Huwag kang papatay.

14 Rom. 2:22;1 Cor. 6:9.Huwag kang mangangalunya.

15 Huwag kang magnanakaw.

16 Deut. 19:16,20;Mat. 19:18.Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

17 Luc. 12:15;Rom. 7:7;13:9.Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, Mat. 5:28.huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

Veja também