Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodo 33:12-17

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Si Moises ay nakipagusap sa Panginoon.

12 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, Ex. 32:34.iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma’y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.

13 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Awit 25:4;119:33.ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa’t ako’y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay Deut. 9:29;Joel 2:17.iyong bayan.

14 At kaniyang sinabi, Ex. 40:34-38;Is. 63:9.Ako’y sasa iyo, at ikaw ay Deut. 3:20;Jos. 21:44;22:4;23:1;Awit 95:11.aking bibigyan ng kapahingahan.

15 At sinabi niya sa kaniya, tal.3.Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.

16 Sapagka’t saan ngayon makikilala na ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? Blg. 14:14.hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, 1 Hari 8:53.upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?

17 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: tal. 12, 13.sapagka’t ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    12 Sinabi ni Moises sa Panginoon, "Lagi po ninyong sinasabi sa akin na pangunahan ko ang inyong mga mamamayan sa pagpunta sa lupaing ipinangako ninyo, pero hindi pa po ninyo ipinapaalam kung sino ang pasasamahin ninyo sa akin. Sinabi pa po ninyo na kilalang-kilala nʼyo ako at nalulugod kayo sa akin. 13 Kung totoo pong nalulugod kayo sa akin, turuan nʼyo ako ng mga pamamaraan ninyo upang makilala ko kayo at upang mas matuwa pa kayo sa akin. Alalahanin po ninyong ang bansang ito ay bayan ninyo."

    14 Sumagot ang Panginoon, "Ako mismo ang sasáma sa iyo, at bibigyan kita ng kapahingahan."

    15 Sinabi ni Moises sa kanya, "Kung hindi po ninyo kami sasamahan, huwag nʼyo na lang po kaming paalisin sa lugar na ito. 16 Dahil paano po malalaman ng iba na nalulugod kayo sa akin at sa inyong mga mamamayan kung hindi nʼyo kami sasamahan? At paano po nila malalaman na espesyal kaming mga mamamayan kaysa sa ibang mamamayan sa mundo?"

    17 Sumagot ang Panginoon kay Moises, "Gagawin ko ang ipinapakiusap mo, dahil nalulugod ako sa iyo at kilalang-kilala kita."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.