Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodo 34:29,30,33-35

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Ang mukha ni Moises ay nagliwanag.

29 At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, Ex. 32:15;Mat. 17:2;2 Cor. 3:7,13.na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.

30 At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila’y natakot na lumapit sa kaniya.

33 At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay 2 Cor. 3:13.naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha.

34 Datapuwa’t 2 Cor. 3:16.pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya’y makalabas; at siya’y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya;

35 At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya’y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    29 Nang bumaba si Moises sa Bundok ng Sinai, dala niya ang dalawang malalapad na bato kung saan nakasulat ang mga utos ng Diyos. Hindi niya alam na nakakasilaw ang mukha niya dahil sa pakikipag-usap niya sa Panginoon. 30 Nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga Israelita ang nakakasilaw na mukha ni Moises, natakot silang lumapit sa kanya.

    33 Matapos makipag-usap ni Moises sa kanila, tinalukbungan ni Moises ang kanyang mukha. 34 Ngunit sa tuwing papasok siya sa Toldang Tipanan upang makipag-usap sa Panginoon, tinatanggal niya ang talukbong hanggang sa makalabas siya ng Tolda. Kapag nakalabas na siya, sinasabi niya sa mga Israelita ang lahat ng sinabi ng Panginoon sa kanya, 35 at nakikita ng mga Israelita ang nakakasilaw niyang mukha. At tatalukbungan na naman ni Moises ang mukha niya hanggang sa bumalik siya sa Tolda upang makipag-usap sa Panginoon.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.