Publicidade

Ezequiel 2

Ang tawag sa Propeta.

1 At sinabi niya sa akin, Dan. 8:17.Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako’y makikipagsalitaan sa iyo.

2 At ang Espiritu Ezek. 3:24.ay sumaakin nang siya’y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.

3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.

4 At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo Ezek. 3:7.kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.

5 At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka’t sila’y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man Ezek. 33:33.ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.

6 At ikaw, anak ng tao, Jer. 1:8;Ezek. 3:9.huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila’y mapanghimagsik na sangbahayan.

7 At iyong sasalitain Jer. 1:7.ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka’t sila’y totoong mapanghimagsik.

8 Nguni’t ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at Ezek. 3:3;Apoc. 10:9.iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo.

9 At nang ako’y tumingin, narito, Jer. 1:9;Ezek. 8:3;Dan. 10:10;Apoc. 10:2.isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon Ezek. 3:1-3.ay nandoon;

10 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan Apoc. 5:1.sa loob at sa labas; at may Apoc. 10:10.nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-