12 Hindi sa ako’y 1 Cor. 13:12.nagtamo na, o ako’y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.
13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa’t isang bagay ang ginagawa ko, Luc. 9:62.na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at 1 Cor. 9:24,26.tinutungo ang mga bagay na hinaharap,
14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala Heb. 3:1.ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.
15 Kaya nga, kung ilan tayong Mat. 5:48;1 Cor. 2:6.mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma’y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios: