Pular para o conteúdo
Publicidade

Galacia 4:21-26

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?

22 Sapagka’t nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, Gen. 16:15.ang isa’y sa aliping babae, at Gen. 21:2.ang isa’y sa babaing malaya.

23 Gayon man Rom. 9:7.ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni’t Gen. 17:15,19;18:10-14;21:1.ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.

24 Ang mga bagay na ito’y may lamang talinghaga: sapagka’t ang mga babaing ito’y dalawang tipan; ang isa’y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga Gal. 2:4.anak sa pagkaalipin, na ito’y si Agar.

25 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Gal. 1:17.Arabia, at ito’y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka’t ito’y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.

26 Nguni’t ang Heb. 12:22;Apoc. 3:12;21:2,10.Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    21 Ngayon, sabihin nga ninyo sa akin, kayong mga nais magpailalim sa Kautusan, hindi ba ninyo alam ang sinasabi sa Kautusan? 22 Sinasabi roon na may dalawang anak si Abraham. Ang isaʼy anak niya sa isang aliping babae, at ang isa naman ay sa isang malaya. 23 Ang kanyang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak, ngunit ang anak niya sa malayang babae ay ipinanganak ayon sa pangako ng Diyos.

    24 Maaari nating tingnan ang dalawang babaeng ito bilang isang paghahalintulad. Kumakatawan sila sa dalawang kasunduan. Si Hagar ay kumakatawan sa kasunduan na ibinigay ng Diyos kay Moises sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak na mga alipin ang mga anak niya. 25 Si Hagar, na kumakatawan sa Bundok ng Sinai sa Arabia ay kumakatawan din sa kasalukuyang Jerusalem, sapagkat ang mga tao sa Jerusalem ay naging alipin ng Kautusan. 26 Ngunit ang asawang si Sara ay hindi alipin, at siya ang kumakatawan sa Jerusalem na nasa langit, at siya ang ating ina dahil hindi tayo alipin ng Kautusan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.