1 Mga kapatid, Sant. 5:19.kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong 1 Cor. 3:1.mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa 1 Cor. 4:21;2 Tim. 2:25.espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.
2 Mangagdalahan kayo ng mga Rom. 15:1;Gal. 5:14.pasanin ng isa’t isa, at tuparin ninyong gayon Juan 13:34.ang kautusan ni Cristo.
3 Sapagka’t kung 1 Cor. 8:2.ang sinoman ay nagaakala na siya’y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.
4 Nguni’t siyasatin ng 1 Cor. 11:28.bawa’t isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa.
5 Sapagka’t ang Rom. 14:12.bawa’t tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.
6 Datapuwa’t ang tinuturuan 1 Cor. 9:14.sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.
7 Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka’t ang 2 Cor. 9:6.lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
8 Sapagka’t ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa’t ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
9 2 Tes. 3:13.At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka’t sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, Heb. 10:36.kung hindi tayo manganghihimagod.
10 Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay 1 Tes. 5:15;1 Tim. 6:18.magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa Ef. 2:19;3 Juan 5.mga kasangbahay sa pananampalataya.
11 Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo 1 Cor. 16:21.ng aking sariling kamay.
12 Yaong 2 Cor. 11:13.lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, Gal. 2:3,14.ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang Gal. 5:11.pagusigin dahil sa krus ni Cristo.
13 Sapagka’t yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni’t ibig nilang kayo’y ipatuli, upang sila’y mangagmapuri sa inyong laman.
14 Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang Fil. 3:3,7,8.pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay Rom. 6:6.napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan.
15 Sapagka’t ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi Juan 3:5,7;2 Cor. 5:17;Ef. 2:15.ang bagong nilalang.
16 At ang lahat Fil. 3:16.na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, Awit 125:5.kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Rom. 9:8.Israel ng Dios.
17 Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka’t dala kong nakalimbag sa aking katawan 2 Cor. 1:5;11:23-25.ang mga tanda ni Jesus.
18 Mga kapatid, 2 Tim. 4:22;Flm. 25.ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.