6 Datapuwa’t sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.
7 At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa Gen. 25:18;Ex. 15:22.tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.
8 At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako’y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.