Pular para o conteúdo
Publicidade

GENESIS 26

Si Isaac sa Gerar.

1 At nagkagutom sa lupain, bukod sa Gen. 12:10.unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay Gen. 20:2.Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.

2 At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; Gen. 12:1.matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:

3 Gen. 20:1;Heb. 11:1.Matira ka sa lupaing ito, Gen. 28:15.at ako’y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka’t sa iyo at sa iyong binhi ay Gen. 13:15;15:18.ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, Gen. 22:16;Awit 105:9.at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;

4 At aking Gen. 15:5;22:17;Ex. 32:13.pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: Gen. 12:3;22:18.at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;

5 Gen. 22:16,18.Sapagka’t sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.

Nilinlang ni Isaac si Abimelech.

6 At tumahan si Isaac sa Gerar.

7 At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; Gen. 12:13;20:2,13.at sinabi niya, Siya’y aking kapatid; Kaw. 29:25.sapagka’t natakot na sabihin, Siya’y aking asawa: baka ako’y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; Gen. 24:16.dahil sa siya’y may magandang anyo.

8 At nangyari nang siya’y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito’t si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.

Veja também