Pular para o conteúdo
Publicidade

Gênesis 39

Si Jose at ang asawa ni Potiphar.

7 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na tinitigan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi, Sipingan mo ako.

8 Datapuwa’t siya’y tumanggi at sinabi niya sa asawa ng kaniyang panginoon, Narito, ang aking panginoon ay hindi nakikialam sa akin tungkol sa nasa bahay, at lahat ng kaniyang tinatangkilik ay ipinamahala sa aking kamay;

9 Walang sinomang dakila kay sa akin sa bahay na ito; walang ipinagkait sa aking anomang bagay, kung di ikaw lamang, sapagka’t ikaw ay kaniyang asawa: paano ngang aking magagawa itong malaking kasamaan, 2 Sam. 12:13;Awit 51:4.at kasalanan laban sa Dios?

10 At nangyari, na nakikiusap man siya kay Jose araw-araw, ay hindi Kaw. 1:10.nakikinig sa kaniya na siya’y sipingan, o pakisamahan.

11 At nangyari nang panahong ito, na siya’y pumasok sa bahay upang gawin niya ang kaniyang gawain at wala sinoman sa mga tao sa bahay doon sa loob.

12 Kaw. 7:13,18.At siya’y pinigilan niya sa kaniyang suot, na sinasabi, Sipingan mo ako: at iniwan niya ang kaniyang suot sa kamay niya at tumakas, at lumabas.

Veja também