Publicidade

Hebreus 1

1 Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at Blg. 12:6,8.sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,

2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na Gal. 4:4; Heb. 9:36;1 Ped. 1:20.ito sa pamamagitan, tal.8;Heb. 3:6;5:8;7:28.ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na Awit 2:8;Mat. 21:38;Rom. 8:17.tagapagmana ng lahat ng mga bagay, Juan 1:3;Ef. 3:9.na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan;

3 Juan 1:14.Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at 2 Cor. 4:4.tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at Col. 1:17.umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, Heb. 9:14.nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, Awit 110:1;Heb. 8:1.ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;

4 Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa’y Ef. 1:21;Fil. 2:9,10.nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.

5 Sapagka’t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man,

Ikaw ay Awit 110:1.aking Anak,

Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?

at muli,

2 Sam. 7:14.Ako’y magiging kaniyang Ama,

At siya’y magiging aking Anak?

6 At muli nang dinadala niya Rom. 8:29.ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.

7 At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,

Awit 104:4.Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin,

At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:

8 Nguni’t tungkol sa Anak ay sinasabi,

Awit 45:6,7.Ang iyong luklukan,

Oh Dios, ay magpakailan man;

At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.

9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan;

Kaya’t ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo,

Is. 61:1,3.Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.

10 At,

Awit 102:25-27.Ikaw, Panginoon, nang pasimula’y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa,

At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:

11 Sila’y mangapapahamak; datapuwa’t ikaw ay nananatili:

At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan;

12 At gaya ng isang balabal sila’y iyong bibilutin,

At sila’y mapapalitang gaya ng kasuutan:

Nguni’t ikaw ay ikaw rin,

At ang iyong mga taon ay di matatapos.

13 Nguni’t kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man,

Awit 2:7.Lumuklok ka sa aking kanan,

Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?

14 Hindi baga silang Gen. 28:12;32:1,2,24;Awit 103:20,21;Luc. 1:19,26;2:9,13;Gawa 12:7.lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-