3 Nguni’t Lev. 16:21;Heb. 9:7.sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.
4 Sapagka’t di maaari na Mik. 6:6-8.ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.
5 Kaya’t Heb. 1:6.pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,
Awit 40:6-8.Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni’t isang katawan ang tal.10;Juan 6:51.sa akin ay inihanda mo;
6 Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
7 Nang magkagayo’y sinabi ko, Narito, ako’y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.
8 Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),
9 Saka sinabi niya, Narito, ako’y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.
10 Sa Juan 17:19.kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng Rom. 6:10;Heb. 7:27.katawan ni Cristo na tal.5;Juan 6:51.minsan magpakailan man.