Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hebreo 2

1 Kaya’t nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo’y makahagpos.

2 Sapagka’t kung ang ipinangusap na salita Gawa 7:53.sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa’t pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran;

3 Paanong makatatanan Heb. 10:28,29;12:25.tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? Mar. 1:14.na ipinangusap ng Panginoon noong una ay Luc. 1:2.pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;

4 Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng Gawa 5:12.mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang Gawa 2:22;1 Cor. 2:4.kapangyarihan, at 1 Cor. 12:4,11.ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban.

5 Sapagka’t hindi niya ipinasakop sa mga anghel Heb. 1:2,4,8.ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.

6 Nguni’t pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi,

Awit 8:4-6.Ano ang tao, upang siya’y iyong alalahanin?

O ang anak ng tao, upang siya’y iyong dalawin?

7 Siya’y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel;

Siya’y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan,

At siya’y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:

8 Inilagay mo Ef. 1:22;Fil. 3:21.ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa.

Sapagka’t nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. 1 Cor. 15:27.Nguni’t ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.

9 Kundi nakikita natin ang tal.7;Gawa 2:23;Fil. 2:7-9.ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si , na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay Mat. 16:28.lasapin niya ang kamatayan 2 Cor. 5:15;1 Tim. 2:6;1 Juan 2:2.dahil sa bawa’t tao.

10 Luc. 24:26,46.Sapagka’t marapat sa kaniya na 1 Cor. 8:6;Col. 1:16;Heb. 1:2.pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian Gawa 3:15;Heb. 12:2.na Heb. 5:9.gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.

11 Sapagka’t Juan 17:19;Heb. 10:10,29.ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang Rom. 8:14.sa isa: na dahil dito’y Rom. 8:29.hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,

12 Na sinasabi,

Awit 22:22.Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid,

Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.

13 At muli, Is. 8:17.ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, Is. 8:18.Narito, ako at ang mga Juan 17:2.anak na ibinigay sa akin ng Dios.

14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, Rom. 8:3.siya nama’y gayon ding nakabahagi sa mga ito; 2 Tim. 1:10;1 Juan 3:8.upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:

15 At mailigtas silang lahat Rom. 8:15.na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.

16 Sapagka’t tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni .

17 Kaya’t nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng Heb. 4:15,16;5:1,2.maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan.

18 Heb. 4:15,16;5:1,2.Palibhasa’y nagbata siya sa pagkatukso, siya’y makasasaklolo sa mga tinutukso.

Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
Significado: “O Senhor salva”
Ver página completa
Pessoa
H85
Abraão
ΑβρααμAbraamאַבְרָהָ֔םavəraham
Abraão, chamado por Deus, deixou a sua terra rumo a Canaã, recebeu a promessa de ser pai de muitas nações e foi pai de Isaque, o filho da promessa (Gênesis 12:1).
Significado: “Pai de uma multidão”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Hebreo 13
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.