Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hebreo 4

1 Mangatakot Heb. 12:15.nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon.

2 Sapagka’t tunay na tayo’y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: Heb. 3:18.nguni’t hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig.

3 Sapagka’t tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya,

Awit 95:11.Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan,

Sila’y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan:

bagama’t ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.

4 Sapagka’t sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, Gen. 2:2.At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;

5 At sa dakong ito ay muling sinabi,

Sila’y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

6 Kaya’t yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, Heb. 3:19.at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway,

7 Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awitAwit 95.ni (ayon sa sinabi na ng una),

Ngayon Awit 95:7;Heb. 3:8,13.kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,

Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.

8 Sapagka’t kung ibinigay sa kanila ni Gawa 7:45.Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw.

9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.

10 Sapagka’t Apoc. 6:11.ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.

11 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang Heb. 3:12,18,19.sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.

12 Sapagka’t Juan 12:48.ang salita ng Dios ay Is. 49:2;1 Ped. 1:23.buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay 1 Tes. 5:23.ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at 1 Cor. 14:25.madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

13 At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni’t ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.

14 Yaman ngang tayo’y mayroong Heb. 3:1.isang lubhang dakilang saserdote, Heb. 7:26.na pumasok sa kalangitan, si na Anak ng Dios, ay Heb. 10:23.ingatan nating matibay ang ating 1 Tim. 6:13-14.pagkakilala.

15 Sapagka’t tayo’y Is. 53:3.walang isang dakilang saserdote Heb. 5:2.na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na Heb. 2:18.tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natinJuan 8:43;2 Cor. 5:21.gayon ma’y walang kasalanan.

16 Heb. 10:19,22.Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Pessoa
Tribo de Judá
Davi
ΔαυιδDauidדָוִֽדdavid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Jesus
ἸησοῦςIēsoûsיֵשׁוּעַyeshua
Jesus, o Cristo, Filho de Deus, nasceu de Maria em Belém, anunciou o reino de Deus, morreu crucificado sob Pôncio Pilatos e ressuscitou ao terceiro dia (Mateus 1:16).
Significado: “O Senhor salva”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Hebreo 13
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.