23 At katotohanang sila’y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka’t dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy:
24 Datapuwa’t siya, sapagka’t namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.
25 Dahil dito naman siya’y nakapagliligtas na lubos sa Heb. 11:6.mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa’y laging nabubuhay siya upang Rom. 8:34.mamagitan sa kanila.
26 Sapagka’t nararapat sa atin ang gayong Heb. 3:1.dakilang saserdoteng Apoc. 15:4.banal, walang sala, walang dungis, Heb. 4:15.nahihiwalay sa mga makasalanan, Ef. 1:20.at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit;
27 Na hindi nangangailangan Heb. 10:11.araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote Heb. 5:3.una-una’y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka’t Rom. 6:10;Heb. 9:12,14,28;10:12.ito’y ginawa niyang Heb. 10:10.minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.