1 Nang magkagayo’y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2 At kaniyang sinabi,
Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati,
At siya’y sumagot sa akin;
Mula sa tiyan ng Sheol ako’y sumigaw,
At iyong dininig ang aking tinig.
3 Sapagka’t inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat,
At ang tubig ay nasa palibot ko;
Awit 42:7.Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4 At Awit 31:22.aking sinabi, Ako’y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata;
Gayon ma’y titingin ako uli sa Awit 5:7.iyong banal na templo.
5 Kinukulong Awit 40:12.ako ng tubig sa palibot Awit 69:1.hanggang sa kaluluwa;
Ang kalaliman ay nasa palibot ko;
Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6 Ako’y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok;
Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man:
Gayon ma’y isinampa mo ang aking buhay Awit 16:10;30:9;55:7.mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7 Nang ang Awit 107:5;142:3.aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon;
Awit 18:6.At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya
Binabayaan ang Awit 144:2.kanilang sariling kaawaan.
9 Nguni’t ako’y maghahain sa iyo ng tinig ng Awit 50:14,23;116:17,18.pasasalamat;
Aking tutuparin yaong aking ipinanata.
Kaligtasa’y sa Panginoon.
10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.