21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana’y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.
22 At ngayon man nama’y nalalaman ko na, anomang hingin mo sa Dios, ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios.
23 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magbabangon uli ang iyong kapatid.
24 Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya’y magbabangon uli sa Juan 5:29;Luc. 14:14.pagkabuhay na maguli sa huling araw.
25 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako Juan 6:39,40,44,54.ang pagkabuhay na maguli, Juan 14:6;Col. 3:4.at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya;
26 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay Juan 8:51,52.hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?
27 Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: Mat. 16:16.sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang naparirito sa sanglibutan.