Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 13:3-5,12-17

3 Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya’y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,

4 Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya’y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.

5 Nang magkagayo’y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya’y nakabigkis.

12 Kaya’t nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?

13 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka’t ako nga.

14 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, 1 Tim. 5:10.kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa’t isa.

15 Sapagka’t kayo’y binigyan ko ng Mat. 11:29.halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.

16 Katotohanan, Juan 15:20.katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.

17 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.