1 Ako Awit 80:8.ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.
2 Ang bawa’t sanga Mat. 15:13.na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa’t sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.
3 Kayo’y Juan 13:10.malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo’y aking sinalita.
4 Juan 6:56.Kayo’y manatili sa akin, at ako’y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo’y manatili sa akin.
5 Ako ang puno ng ubas, Rom. 6:5;Ef. 4:15,16;5:30;Col. 2:19.kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.