1 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; Juan 11:41.at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; Juan 12:23,28;13:31,32.luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
2 Gaya ng ibinigay mo Mat. 28:18.sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan Juan 6:37;18:19.ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang 1 Juan 5:20.Dios na tunay, tal. 8, 18, 21, 23, 25;Juan 3:34.at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.
4 Niluwalhati Juan 13:31.kita sa lupa, Juan 19:30.pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.
5 At ngayon, Ama, Juan 13:32.luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang Juan 1:1-2.aking tinamo sa iyo tal. 24.bago ang sanglibutan ay naging gayon.
6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao tal.2.na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila’y iyo, at sila’y ibinigay mo sa akin; at Juan 8:51.tinupad nila ang iyong salita.
7 Ngayon ay Juan 6:69;16:27,30.nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:
8 Sapagka’t ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
9 Luc. 22:32.Idinadalangin ko sila: tal. 20, 21, 23.hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; tal.6.sapagka’t sila’y iyo:
10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako’y lumuluwalhati sa kanila.
11 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako’y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, tal. 21, 22.upang sila’y maging isa, Juan 10:30.na gaya naman natin.
12 Samantalang ako’y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila’y binantayan ko, at Juan 18:9.isa man sa kanila’y walang napahamak, kundi 2 Tes. 2:3.ang anak ng kapahamakan; Awit 109:7,8.upang matupad ang kasulatan.
13 Nguni’t ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila’y mangagtamo ng Juan 15:11.aking kagalakang ganap sa kanila rin.
14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: Juan 15:19.at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka’t hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
15 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila Mat. 13:19.mula sa masama.
16 Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
17 1 Ped. 1:22.Pakabanalin mo sila tal.19.sa katotohanan: Juan 15:3.ang salita mo’y katotohanan.
18 Kung paanong Juan 20:21.ako’y iyong sinugo sa sanglibutan, sila’y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
19 At dahil sa kanila’y Juan 10:36.pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;
21 Upang silang lahat ay maging tal. 11, 22;Rom. 12:5;Gal. 3:28.isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, 1 Juan 1:3.na sila nama’y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo.
22 At tal. 24;Juan 1:14.ang kaluwalhatiang sa aki’y ibinigay mo Rom. 8:30.ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa;
23 Ako’y sa kanila, at ikaw ay sa akin, 1 Juan 2:5;4:12,17.upang sila’y malubos sa pagkakaisa; Juan 13:35.upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila’y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.
24 Ama, Juan 12:26.yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, 2 Cor. 3:18;1 Juan 3:2.upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka’t ako’y iyong inibig Ef. 1:4;1 Ped. 1:20.bago natatag ang sanglibutan.
25 Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni’t nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;
26 At ipinakilala ko sa kanila ang Juan 15:15.iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig Juan 15:9.na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila.