Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 7:14-18

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

14 Datapuwa’t nang ang kapistahan nga’y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo, at nagturo.

15 Nagsipanggilalas nga Mat. 13:54;Mar. 6:2,3.ang mga Judio, na nangagsasabi, Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man?

16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Juan 8:28;12:49;14:10,24.Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.

17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.

18 Ang nagsasalita Juan 5:41.ng sa ganang kaniyang sarili’y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa’t ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya’y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya’y walang kalikuan.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    14 Noong kalagitnaan na ng pista, pumunta si Hesus sa Templo at nangaral. 15 Namangha sa kanya ang mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi nila, "Paano nalaman ng taong ito ang mga bagay na ʼyan, gayong hindi naman siya nakapag-aral?"

    16 Sumagot si Hesus, "Hindi galing sa akin ang mga itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin. 17 Malalaman ng sinumang gustong sumunod sa kalooban ng Diyos kung ang itinuturo koʼy galing nga sa Diyos o sa akin lang. 18 Ang nagtuturo nang mula sa sarili niyang karunungan ay naghahangad lang ng pansariling karangalan. Ngunit ang naghahangad na parangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi sinungaling.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.