31 Narito, Heb. 8:8-12.ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:
32 Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na Deut. 1:31.aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman Jer. 3:14.ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon.
33 Jer. 32:40;Heb. 10:16.Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Ezek. 11:19;36:26,27;2 Cor. 3:3.Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan;
34 At hindi na magtuturo bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka’t makikilala nilang Is. 54:13.lahat ako, Jer. 6:13.mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka’t Jer. 33:8;36:3.aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.